top of page
WINNER - SEN. ROBIN, IPINAGDIINANG DDS SI JOSHUA-FB Robin Padilla.jpg

Call center agent, arestado sa panghihipo

  • BULGAR
  • Apr 19, 2022
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | April 19, 2022


CAVITE – Isang call center agent ang dinakip ng mga tauhan ng pulisya dahil sa umano’y panghihipo sa hita ng isang batang babae kamakalawa sa loob ng isang pampasaherong jeep sa Tanza sa lalawigang ito.


Kinilala ang suspek na si ‘Mark’, 33-anyos at nakatira sa Bgy. Paradahan 1 sa nasabing bayan.


Ayon sa ulat, habang nakasakay sa jeep ay hinipo umano ni ‘Mark’ ang hita ng 12-anyos na batang babae na itinago sa pangalang "Ana".


Nang makita ng tiyahin ni "Ana" ang umano’y panghihipo ay nagalit pa si ‘Mark’ at nagwala.


Agad humingi ng tulong sa pulisya ang tiyahin at ang bata kaya nadakip ang suspek na nahaharap sa kasong Acts of Lasciviousness.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page