CAFGU, 1 pa tepok sa mga komunista
@Balitang Probinsiya | August 29, 2022
AGUSAN DEL SUR—Isang miyembro ng CAFGU (Citizens Armed Forces Geographical Unit) at isang kaibigan nito ang namatay nang barilin ng mga NPA (New People's Army) kamakalawa sa Bgy. Kolambugan, Sibagat.
Kinilala ang mga nasawi na sina CAFGU member Joregie Badao at Arnel Gano, kapwa nasa hustong gulang at mga residente sa nabanggit na bayan.
Ayon sa ulat, habang nasa kabundukan sina Badao at Gano, kasama ang ilan nilang kaibigan nang pagbabatilin sila ng mga NPA.
Nabatid na mabilis na tumakas ang mga suspek matapos ang pamamaril.
Dinala ng mga saksi ang dalawang biktima sa ospital, pero kapwa sila idineklarang dead-on-arrival dahil sa mga tinamong tama ng bala sa katawan.



Comments