Bus nabangga ng trak, wasak
@Balitang Probinsiya | January 29, 2022
AKLAN–Isang pampasaherong bus ang nawasak nang aksidenteng mabangga ng trak kamakalawa sa Bgy. Odiong, Altavas.
Ang nawasak na bus ay ang Ceres Bus Transit na minamaneho ni Kerson Ponesto, 43-anyos, residente ng Dumarao, Capiz.
Ayon sa ulat, mabilis ang takbo ng trak na minamaneho naman ni Zedric Gervacion, 41-anyos, tubong Aklan, kaya aksidenteng nabangga ang bus na minamaneho ni Ponesto sa nasabing lugar.
Nabatid na wala namang namatay sa naganap na aksidente.
Samantala, nahaharap si Gervacion sa kasong reckless imprudence resulting to damage to property.



Comments