Buntis, natagpuang patay
@Balitang Probinsiya | January 28, 2022
PALAWAN–Isang ginang na 3-buwang buntis ang natagpuang patay kamakalawa sa talahiban sa Bgy. Sta. Monica, Puerto Princesa City.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Beberlyn Ampan, nasa hustong gulang at nakatira sa nasabing barangay.
Nabatid na ilang residente ang nakatagpo sa bangkay ng biktima sa talahiban sa naturang lugar.
Sa imbestigasyon ng pulisya ay posibleng ginahasa ang biktima at saka pinatay ito sa pamamagitan nang pagsakal.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya para madakip ang may kagagawan ng krimen.



Comments