Buntis na NPA, sumurender
- BULGAR
- Aug 7, 2023
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | August 7, 2023
MARAWI CITY -- Isang buntis na miyembro ng komunistang New People’s Army (NPA) ang sumuko sa pamahalaan kamakalawa sa Bgy. Cabingan sa lungsod na ito.
Para sa kanyang seguridad ay hindi na pinangalanan ng mga awtoridad ang sumukong komunista na nag-o-operate sa naturang lungsod.
Napag-alaman na isinuko rin ng komunistang NPA ang dala niyang armas, bala at mga subersibong dokumento sa mga awtoridad.
Ayon sa NPA member, nahihirapan na umano siyang mamuhay sa bundok kaya sumuko siya sa pamahalaan.
Isinasailalim na sa taktikal na interogasyon ang sumukong komunista.



Comments