top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

BPAT member, tepok sa pamamaril

BULGAR
Jul 4, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | July 4, 2022


NORTH COTABATO—Isang miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Team (BPAT) ang namatay at sugatan naman ang dalawang kasama nito nang pagbabarilin sila ng mga hindi kilalang armadong lalaki kamakalawa sa Bgy. Ginatilan, Pikit.


Ang nasawi ay kinilalang si Gilbert Roa, 45-anyos, samantalang ang mga sugatan ay sina Eleonor Umutong at Kho Inok, pawang residente sa nabanggit na barangay.


Ayon sa ulat, habang nagpapahinga ang mga biktima ay biglang sumulpot ang mga suspek at agad silang pinagbabaril


Nang matapos ang pamamaril ay mabilis na tumakas ang mga suspek.


Inaalam na ng pulisya ang motibo ng mga suspek sa pamamaril sa mga biktima.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page