Boarding house, nilooban ng 'akyat-bahay gang'
@Balitang Probinsiya | June 14, 2022
PALAWAN–Isang boarding house ang nilooban ng miyembro ng “Akyat-Bahay Gang” kamakalawa sa Tagumpay, Roxas.
Hindi na pinangalanan ng pulisya ang mga biktimang napagnakawan ng mga gamit sa loob ng boarding house sa nabanggit na barangay.
Nabatid na natutulog ang mga biktima sa boarding house nang looban sila ng mga suspek.
Nabatid na natangay ng mga suspek ang pag-aaring mga cellphone at cash ng mga biktima.
Kaugnay nito, naglunsad na rin ng manhunt operation ang pulisya para madakip ang mga magnanakaw.



Comments