BJMP official, tepok sa trak
@Balitang Probinsiya | March 21, 2021
MISAMIS ORIENTAL—Isang opisyal ng BJMP (Bureau of Jail, Management and Penology) ang namatay nang aksidenteng mabangga ng trak ang kinalululanan nitong sasakyan kamakalawa sa Bgy. Poblacion, Manticao.
Kinilala ang biktima na si Jail Capt. Marlon Castelo, warden ng Iligan City.
Ayon sa ulat, mabilis umano ang takbo ng trak na minamaneho ni Allan Campanion kaya nabangga nito ang behikulong kinalululanan ng biktima.
Dinala pa ng mga saksi si Castelo sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.
Nakapiit na si Campanion na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to homicide and damage to property.



Comments