Search
  • BULGAR

Biyenan, tinodas ng manugang

@Balitang Probinsiya | July 01, 2020



CEBU—Isang biyenan ang namatay nang pagsasaksakin ng kanyang kainumang manugang kamakalawa sa Bgy. Bagatayam, Sogod City.


Kinilala ng pulisya ang biktima na si Roberto Brigoli, 60-anyos, samantalang ang suspek ay Jomil Comaingking, 22-anyos, kapwa residente sa nasabing barangay

Ayon sa ulat, habang nag-iinuman sina Brigoli at Comaingking ay sa hindi malamang dahilan ay biglang pinagsasaksak ng suspek ang biktima.


Kaagad dinala ng mga residente si Brigoli sa ospital, pero hindi na ito umabot nang buhay sa pagamutan.


Nabatid na nagtangka pang tumakas ang suspek, pero mabilis siyang nadakip ng mga nagrespondeng pulisya.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.