Binatilyong pusher, timbog
- BULGAR
- Feb 25, 2022
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | February 25, 2022
CAMARINES NORTE–Isang binatilyong drug pusher ang naaresto sa isinagawang drug-bust operation kamakalawa sa Bgy. San Lorenzo, Sta. Elena.
Dahil menor-de-edad ay hindi na pinangalanan ng pulisya ang suspek na residente sa nabanggit na barangay.
Napag-alamang ilang operatiba ang nagpanggap na buyer ng marijuana at nang pagbentahan sila ng droga ng binatilyo ay dito na dinakip ng mga awtoridad ang suspek.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng pakete ng marijuana at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments