Binata dedbol sa van
- BULGAR
- May 10, 2022
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | May 10, 2022
CAMARINES NORTE – Isang 35-anyos na binata ang namatay nang aksidenteng mabangga ng isang van kamakalawa sa Bgy. Vactas, Basud sa lalawigang ito.
Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Ricky Sardo, residente sa nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, tumatawid umano sa kalsada si Sardo nang aksidenteng mabangga ito ng van na minamaneho ng hindi pinangalanang driver.
Nabatid na bumagsak ang biktima at nabagok ang ulo sa sementadong kalsada.
Agad dinala ng mga saksi ang biktima sa pagamutan, pero idineklara itong dead-on-arrival, samantalang sinampahan na ng kasong reckless imprudence resulting to homicide ang driver ng van.



Comments