top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Biktima ng salvage, lumutang sa sapa

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 29, 2020
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | September 29, 2020



QUEZON—Isang bangkay ng hindi kilalang lalaki na biktima ng salvage ang natagpuan kamakalawa na nakalutang sa sapa na sakop ng Bgy. Guisguis, Sariaya.


Ang biktima ay tinatayang nasa pagitan ng 45-50 ang edad, nakasuot ng asul na t-shirt at itim na short pants.


Nabatid na ilang residente ang nag-report sa pulisya tungkol sa natagpuan nilang bangkay ng biktima sa nasabing sapa.


May hinala ang mga awtoridad na sa ibang lugar pinatay ang biktima at itinapon lang sa sapa ng naturang barangay ang bangkay nito upang iligaw sa imbestigasyon ang pulisya.


Patuloy pa ang isinagawang imbestigasyon ng mga awtoridad para mabatid ang motibo sa krimen at makilala ang mga salarin.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page