Biker dedbol sa tulay
- BULGAR
- Oct 4, 2022
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | October 4, 2022
CAVITE—Patay ang biker nang aksidenteng mahulog kamakalawa sa tulay na sakop ng Bgy. Tua, Magallanes.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Adrianne Hernan, nasa hustong gulang at nakatira sa naturang bayan.
Ayon sa ulat, lulan ng kanyang bisikleta si Hernan nang mawalan ito ng kontrol sa manibela kaya aksidenteng nahulog sa Lobo-Lobo Bridge sa nasabing barangay.
Nabatid na sa pagbagsak ni Hernan sa ibaba ng tulay ay tumama ang ulo nito sa malaking bato.
Kaagad sumaklolo ang mga residente at dinala si Hernan sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.



Comments