Bigtime tulak, tiklo sa buy-bust
@Balitang Probinsiya | August 23, 2022
CEBU—Isang bigtime na drug pusher ang nadakip sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa Bgy. Guadalupe, Cebu City.
Ang suspek ay nakilalang si Ramses Racho, nasa hustong gulang at nakatira sa Bgy. Tisa sa nasabing lungsod.
Ayon sa ulat, nagpanggap na buyer ng shabu ang mga operatiba at nang pagbentahan sila ng droga ni Racho ay dito na agad dinakip ng mga awtoridad ang suspek.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng 500 gramo ng shabu at markadong pera pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na ang suspek sa detention cell ng himpilan ng pulisya at siya ay sinampahan na ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments