Bigtime tulak, tiklo sa buy-bust
@Balitang Probinsiya | June 28, 2022
CAMARINES SUR—Isang bigtime drug pusher ang nadakip sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa Bgy. Mabolo, Naga City.
Kinilala ang suspek na si Richard Diaz, nakatira sa nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, nagpanggap na buyer ng shabu ang mga operatiba at nang pagbentahan sila ng ilegal na droga ng drug pusher ay dito na agad dinakip ng mga awtoridad ang suspek.
Napag-alamang nakakumpiska ang mga awtoridad ng 10 gramo ng shabu at markadong pera pag-iingat ng suspek.



Comments