Bigtime pusher tiklo sa drug-bust
@Balitang Probinsiya | April 28, 2022
CAGAYAN – Isang bigtime drug pusher ang naaresto sa isinagawang drug-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa Bgy. Alimanao, Tuguegarao City sa lalawigang ito.
Ang suspek ay kinilalang si Romel Baculi, 23-anyos, nasa hustong gulang at residente ng nabanggit na lalawigan.
Ayon sa ulat, nagsagawa ng drug-bust operation ang mga operatiba sa nabanggit na barangay at dito nadakip ang drug pusher.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng anim na pakete ng marijuana at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.



Comments