Bigtime pusher nasakote
@Balitang Probinsiya | May 29, 2022
QUEZON – Isang bigtime drug pusher ang nadakip sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa Bgy. Ibabang Dupay, Lucena City sa lalawigang ito.
Kinilala ang suspek na siu Francisco Fernando, 26-anyos at nakatira sa nabanggit na lungsod.
Ayon sa ulat, nagpanggap na buyer ng shabu ang mga operatiba at nang pagbentahan sila ng droga ni Fernando ay dito na agad dinakip ng mga awtoridad ang suspek.
Napag-alaman na nakakumpiska ang mga awtoridad ng 5 gramo ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Hindi naman nanlaban ang suspek at sa ngayon ay nakapiit na siya sa detention cell ng himpilan ng pulisya.



Comments