Bigtime pusher, huli sa shabu at shotgun
@Balitang Probinsiya | June 12, 2023
ILOILO -- Isang bigtime drug pusher ang inaresto ng mga awtoridad nang makumpiskahan ng shabu, isang shotgun at mga bala kamakalawa sa Bgy. Camalonggo, Calinog sa lalawigang ito.
Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Rogelio Legazpi, nasa hustong gulang, at residente sa nabanggit na bayan.
Nabatid na sinalakay ng mga awtoridad ang bahay ni Legazpi sa bisa ng search warrant at dito nakumpiska ang 70 gramo ng shabu, isang shotgun at mga bala.
Hindi naman nanlaban ang suspek nang arestuhin siya ng mga awtoridad sa loob ng kanilang bahay.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at illegal possession of firearms and ammunitions.



Comments