Bigtime pusher, dedo sa shootout
- BULGAR

- Sep 20, 2020
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | September 20, 2020
ZAMBOANGA DEL NORTE—Isang bigtime drug pusher ang namatay nang makipagbarilan sa pulisya na nagsagawa ng drug-bust operation kamakalawa sa Bgy. San Vicente, Katipunan.
Ang suspek na nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ay kinilala ng pulisya na si Arbeb Batingal, nakatira sa nabanggit na bayan.
Ayon sa ulat, akmang darakpin ng pulisya si Batingal sa drug-bust operation, pero biglang bumunot ng baril at pinaputukan ng suspek ang mga awtoridad.
Kaagad namang gumanti ng putok ang pulisya dahilan kaya napatay ang suspek.
Nabatid na nakakumpiska ang pulisya ng baril at tatlong sachets ng shabu sa pinangyarihan ng insidente.



Comments