Bigtime pusher, arestado sa drug-bust

@Balitang Probinsiya | October 27, 2020
QUEZON—Isang bigtime drug pusher ang naaresto sa isinagawang drug-bust operation ng pulisya kamakalawa sa Bgy. Ibabang Dupay, Lucena City.
Kinilala ng pulisya ang suspek na si Louji Mogol, residente ng naturang lungsod.
Nabatid na may nagbigay-impormasyon sa pulisya na nagbebenta ng shabu ang suspek kaya agad nagsagawa ng drug-bust operation ang mga awtoridad dahilan upang madakip si Mogol.
Nakakumpiska ang pulisya ng 19 sachets ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ni Narag.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments