Bigtime pusher, arestado
@Balitang Probinsiya | March 31, 2023
NEGROS OCCIDENTAL—Isang bigtime drug pusher ang nadakip sa drug-bust operation ng mga awtoridad, kamakalawa sa Bgy. Tangub, Bacolod City sa lalawigang ito.
Ang nadakip na suspek ay nakilalang si Sean Navarro, 26, residente ng Bgy. Mansilingan sa nabanggit na lungsod.
Nabatid na nadakip ang suspek sa isinagawang drug-bust operation ng mga awtoridad sa nasabing barangay.
Nakakumpiska ang mga awtoridad ng 506 gramo ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Nahaharap ngayon ang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments