Bigtime drug trafficker nasakote
- BULGAR
- Aug 11, 2022
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | August 11, 2022
QUEZON—Isang bigtime drug trafficker ang nadakip sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa Bgy. Cotta, Lucena City.
Ang suspek ay kinilalang si Alfredo Quirejero, nasa hustong gulang at nakatira sa naturang barangay.
Ayon sa ulat, nagpanggap na buyer ng shabu ang mga operatiba at nang pagbentahan sila ng droga ni Quirejero ay dito na agad dinakip ng mga awtoridad ang suspek.
Napag-alamang nakakumpiska ang mga awtoridad ng 5.39 gramo ng shabu at markadong pera pag-iingat ng suspek.
Hindi naman nanlaban ang suspek at sa ngayon ay nakapiit na siya sa detention cell ng himpilan ng pulisya.



Comments