Bigtime drug trafficker nasakote
@Balitang Probinsiya | June 4, 2022
CAMARINES SUR–Isang bigtime drug trafficker ang nadakip sa isinagawang buy-bust operation kamakalawa sa Bgy. Dugcal Camaligan.
Kinilala ang suspek na Aex Garol, nakatira sa naturang barangay.
Ayon sa ulat, nagpanggap na buyer ng shabu ang mga operatiba at nang pagbentahan sila ng droga ni Garol ay dito na agad dinakip ng mga awtoridad ang suspek.
Napag-alamang nakakumpiska ang mga awtoridad ng 505 gramo ng shabu at markadong pera pag-iingat ng suspek.
Hindi naman nanlaban ang suspek at sa ngayon ay nakapiit na siya sa detention cell ng himpilan ng pulisya.



Comments