Bigtime drug pusher natimbog
@Balitang Probinsiya | September 1, 2022
SORSOGON—Isang bigtime na drug pusher ang nadakip sa isinagawang buy-bust operation kamakalawa sa Bgy. Putiao, Pilar.
Ang suspek ay nakilalang si John Paul Estropia, nasa hustong gulang at nakatira sa Bgy. Tabi, Gubat sa nabanggit na lalawigan.
Ayon sa ulat, nagpanggap na buyer ng shabu ang mga operatiba at nang pagbentahan sila ng droga ni Estropia ay dito na agad dinakip ng mga awtoridad ang suspek.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng 100 gramo ng shabu at markadong pera pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na ang suspek sa detention cell ng himpilan ng pulisya at siya ay sinampahan na ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments