Bigtime drug pusher, arestado
- BULGAR
- Apr 24, 2023
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | April 24, 2023
NEGROS OCCIDENTAL—Isang bigtime drug pusher ang nadakip sa isinagawang drug- bust operation ng mga awtoridad, kamakalawa sa Bgy. 4, Bacolod City sa lalawigang ito.
Kinilala ang suspek na si John Lucasan, nasa hustong gulang at residente ng nabanggit na bayan.
Nabatid na nadakip ang suspek sa drug-bust operation sa nasabing barangay.
Nakakumpiska ang mga awtoridad ng 115 gramo ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Hindi naman nanlaban ang suspek nang dakpin siya ng mga awtoridad at ngayon ay nakapiit na sa detention cell ng himpilan ng pulisya.



Comments