Best Actress award sa Cinemalaya, pa-birthday kay Marian
- BULGAR

- Aug 12, 2024
- 1 min read
ni Angela Fernando @Showbiz News | August 12, 2024

Ibinida ni Marian Rivera ang sunud-sunod na pagbati ng madla sa kanyang Instagram story matapos siyang itanghal bilang best actress para sa Cinemalaya 2024. Kasabay nito, bumuhos din ang pagbati para sa ika-40 kaarawan ng aktres ngayong Agosto 12.
Maraming netizens ang natutuwa dahil naging matagumpay ang pagbabalik ng aktres sa big screen at nasungkit pa nito ang title na best actress dahil sa walang katulad niyang pagganap sa karakter niya sa Balota.
Hindi naman nakalimutan ni Marian na ialay sa direktor na si Kip Oebanda ang "big win" niyang ito. "Para sayo [rin] ito direk!" caption ng aktres sa larawan nila ng direktor na magkasama.
Mukhang maraming blessings pa nga ang sumasalubong kay Marian para sa kanyang kaarawan dahil buhos din ang endorsements at billboards ng aktres na siyang ikinatuwa ng mga tagasuporta nito dahil deserving naman daw talaga ang aktres.








Comments