top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Bebot, tinodas ng riding-in-tandem

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 14, 2020
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | December 14, 2020



NORTH COTABATO—Isang negosyanteng babae ang namatay nang barilin ng riding-in-tandem kamakalawa sa Bgy. Poblacion, Kidapawan City.


Ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ay nakilalang si Jennifer Cortez, nakatira sa naturang barangay.


Ayon sa ulat, nagluluto umano si Cortez ng kanyang mga panindang barbecue nang biglang sumulpot ang dalawang suspek na nakasakay sa motorsiklo at agad pinagbabaril ang biktima.


Nang matiyak na patay na ang biktima ay mabilis na tumakas ang mga salarin.


Iniimbestgahan na ng pulisya ang motibo ng mga suspek sa pagpatay sa biktima.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page