top of page
Search
  • BULGAR

Bebot tiklo sa 1 gramo ng shabu

@Balitang Probinsiya | August 25, 2022


CAMARINES NORTE—Isang 39-anyos na babae ang dinakip ng mga awtoridad nang makumpiskahan ng isang gramo ng shabu kamakalawa sa Bgy. Magang, Daet.


Hindi na muna pinangalanan ang suspek habang isinasailalim ito sa masusing imbestigasyon.


Ayon sa ulat, may tinanggap na impormasyon ang pulisya na nagbebenta ng droga ang suspek kaya agad nagsagawa ng drug-bust operation ang mga awtoridad dahilan upang madakip ang drug pusher.


Nabatid na bukod sa isang gramo ng shabu ay nakakumpiska rin ang mga awtoridad ng markadong pera sa pag-iingat ng suspek.


Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.


0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page