Bebot, sinalvage sa gilid ng kalsada

@Balitang Probinsiya | March 13, 2021
NORTH COTABATO—Isang bangkay ng babae na biktima ng salvage ang natagpuan kamakalawa sa gilid ng kalsada ng Bgy. Kayaga, Kabacan.
Base sa natagpuang mga identification cards ay nakilala ang biktima sa pangalang Flor Igpo, nakatira sa Bgy. Ugalingan, Carmen sa naturang lalawigan.
Nabatid na ilang residente ang nakatagpo sa bangkay ng biktima na may mga tama ng saksak sa katawan.
Sa imbestigasyon ng pulisya, posibleng sa ibang lugar umano pinatay si Igpo at itinapon lang ang bangkay nito sa nasabing barangay upang iligaw sa imbestigasyon ang mga awtoridad.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa naganap na krimen.



Comments