top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Bebot nilikida ng riding-in-tandem

BULGAR
Sep 17, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | September 17, 2022


BATANGAS—Isang 30-anyos na babae ang namatay nang barilin ng riding-in-tandem kamakalawa sa Bgy. Santor, Tanauan City.


Ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa ulo at katawan ay kinilala ng pulisya na si Keesa Pamplona, residente ng Bgy. Janopol Oriental sa nasabing lungsod.


Ayon sa ulat, nakasakay sa tricycle si Pamplona nang sumulpot ang mga suspek na sakay ng isang motorsiklo at agad pinagbabaril ang biktima.


Nang matiyak na patay na ang biktima ay saka mabilis na tumakas ang mga salarin.


Nagpalabas na ng manhunt operation ang pulisya para madakip ang mga suspek.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page