top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Bebot natagpuang patay sa bahay

BULGAR
Jan 8, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | Enero 8, 2023


SORSOGON—Isang 44-anyos na dalaga ang natagpuang patay kamakalawa sa loob ng kanyang bahay kamakalawa sa Bgy. Macalaya, Castilla.


Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Gina Miranda, nakatira sa nasabing barangay.


Napag-alamang ilang kapitbahay ng biktima ang nakatagpo sa duguang bangkay ng biktima sa loob ng kanyang bahay.


Napag-alaman sa imbestigasyon ng pulisya na nilaslas ang leeg ni Miranda at may palatandaan din na ginahasa ito dahil nasa tabi ng bangkay ng biktima ang underwear nito.


Masusi pang nag-iimbestiga ang mga awtoridad para makilala at madakip ang salarin.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page