Bebot na shoplifter natimbog
- BULGAR
- May 16, 2022
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | May 16, 2022
BATANGAS – Isang babaeng shoplifter ang inaresto ng mga tauhan ng pulisya kamalalawa sa loob ng isang mall sa Bgy. Poblacion West, Batangas City sa lalawigang ito.
Hindi na muna pinangalanan ang suspek habang iniimbestigahan pa ito ng mga awtoridad.
Ayon sa ulat, ninakaw ng suspek ang ilang panindang fake nails sa hindi pinangalanang mall sa lungsod.
Nang makita ng mga kawani ng mall ang pagnanakaw ng suspek ay agad itong ini-report sa pulisya kaya nadakip ang shoplifter.
Nabatid na sinampahan na ng pulisya ng kasong qualified theft ang suspek.



Comments