top of page
WINNER - SEN. ROBIN, IPINAGDIINANG DDS SI JOSHUA-FB Robin Padilla.jpg

Bebot na rider, nilikida

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 25, 2022
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | January 25, 2022


QUEZON–Isang babaeng rider ang namatay nang pagbabarilin ng hindi kilalang armadong salarin kamakalawa sa Bgy. Sta. Catalina Norte, Candelaria.


Kinilala ng pulisya ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan na si Analyn Sarmiento, nasa hustong gulang, nakatira sa naturang bayan.


Ayon sa ulat, habang minamaneho ni Sarmiento ang kanyang motorsiklo ay biglang humarang sa kanyang dadaanan ang suspek at pagkaraan ay pinagbabaril na ang biktima.


Mabilis na tumakas ang suspek matapos tiyaking patay na ang biktima.


Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa motibo ng suspek sa pagpatay sa biktima.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page