Bebot na rider, bumangga sa trak
@Balitang Probinsiya | January 15, 2022
AKLAN–Kritikal ang isang babaeng rider nang aksidenteng bumangga ang kinalululanan niyang motorsiklo sa nakaparadang trak kamakalawa sa Bgy. Carugdog, Lezo.
Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Keite Fernandez, 27-anyos at nakatira sa Bgy. Poblacion sa nasabing bayan.
Ayon sa ulat, nawalan umano ng kontrol si Fernandez sa pagmamaneho ng motorsiklo kaya bumangga ito.
Nabatid na sa lakas ng pagkakabangga ay nagtamo ng malaking pinsala sa ulo at katawan ang biktima.
Dinala ng mga saksi ang biktima sa ospital at kasalukuyan pa itong inoobserbahan.



Comments