Bebot na pusher, tiklo sa drug-bust

@Balitang Probinsiya | October 23, 2020
NUEVA ECIJA—Isang babaeng drug pusher ang inaresto sa isinagawang drug-bust operation ng pulisya kamakalawa sa Bgy. San Isidro, Cabanatuan City.
Nakilala ang suspek na si Susan Arce, residente sa nasabing barangay.
Nabatid na nadakip ang suspek sa isinagawang drug-bust operation ng pulisya sa naturang lugar.
Kusa namang sumama sa pulisya ang suspek na nakumpiskahan ng apat na sachet ng shabu at markadong pera.
Nakapiit na ang suspek na sinampahan na ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments