Bebot na HVT sa droga, huli
- BULGAR
- Mar 10, 2024
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | ngayong Marso 10, 2024
BACOLOD CITY -- Isang 38-anyos na babaeng High-Value Target (HVT) sa droga ang nadakip sa drug-bust operation ng mga operatiba kamakalawa sa Sitio Banga-Yap, Brgy. Singcang Airport sa lungsod na ito.
Hindi na muna pinangalanan ng mga otoridad ang suspek hangga’t hindi pa nadadakip ang supplier nito ng umano’y shabu sa nabanggit na lungsod.
Nabatid na nadakip ang suspek matapos magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba sa nasabing barangay.
Ayon sa ulat, nakakumpiska ang pulisya ng 60 gramo ng hinihinalang shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Comentários