Bebot na drug trader nasakote
- BULGAR
- Jan 3, 2023
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | Enero 3, 2023
NUEVA ECIJA—Isang babaeng drug trader ang nadakip sa isinagawang drug-bust operation kamakalawa sa Cabanatuan City.
Hindi muna pinangalanan ang suspek habang iniimbestigahan ito ng mga awtoridad.
Nabatid na nagpanggap na buyer ng shabu ang mga operatiba at nang pagbentahan sila ng ilegal na droga ng suspek ay dito na agad dinakip ang drug pusher.
Napag-alamang nakakumpiska ang mga awtoridad ng 0.6 gramo ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Ayon sa ulat, sinampahan na ng pulisya ang suspek ng kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2022.



Comments