Bebot na drug dealer, nasakote
@Balitang Probinsiya | December 21, 2022
QUEZON—Isang babaeng bigtime drug dealer ang nadakip sa isinagawang drug-bust operation kamakalawa sa Bgy. Ibabang Dupay, Lucena City.
Ang suspek ay nakilalang si Jasmin Abueg, 40-anyos at nakatira sa nabanggit na lalawigan.
Ayon sa ulat, naaresto si Abueg sa isinagawang drug bust operation sa naturang barangay.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng ilang pakete ng shabu at cocaine sa pag-iingat ng suspek.
Hindi naman nanlaban ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments