Bebot na biktima, tulak nasakote
@Balitang Probinsiya | July 22, 2022
LAGUNA—Isang bigtime drug pusher na babae ang nadakip sa isinagawang buy-bust operation kamakalawa sa Bgy. Pansol, Calamba City.
Kinilala ang suspek na si Karen Cabezas, 20-anyos at nakatira sa nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, nagpanggap na buyer ng shabu ang mga operatiba at nang pagbentahan sila ng ilegal na droga ay dito na agad dinakip ng mga awtoridad ang suspek.
Napag-alamang nakakumpiska ang mga awtoridad ng 33 gramo ng shabu at markadong pera pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments