Bebot, masama ang kutob sa kaibigang inirekomenda sa kapitbahay
- BULGAR
- Jan 15, 2024
- 1 min read
ni Sister Isabel del Mundo - @Mga kuwento ng buhay at pag-ibig | January 15, 2024
Dear Sister Isabel,
Ang isasangguni ko sa inyo at tungkol sa kaibigan ko. Naaawa kasi ako sa kanya, 73-anyos na siya, at paiba-iba ang kanyang amo bilang kasambahay. ‘Di ko alam kung bakit lagi siyang umaalis sa kanyang pinagtatrabahuhan. Nitong nakaraang araw, nakita ko siyang nakatambay sa palengke namin, at wala na umano siyang trabaho.
Naisip kong ipasok siya sa kapitbahay namin na nangangailangan din ng kasambahay. Kaya lang, parang hindi siya mapagkakatiwalaan at parang hindi na rin niya kayang magtrabaho, pero sabi niya sa akin, kayang-kaya pa naman daw niya.
Kaya agad ko siyang nirekomenda sa kapitbahay namin.Tama ba ang ginawa ko, Sister Isabel? Kahit alam kong may edad na siya, ni-recommend ko pa rin siya?
Hihintayin ko ang payo n’yo.
Nagpapasalamat,Janice ng Valenzuela City.
Sa iyo, Janice,
Okey lang naman na tulungan mo ang kaibigan mo, pero siguraduhin mo lang na hindi ka malalagay sa alanganin. Baka mamaya, ikaw pa ang sisihin ng kapitbahay mo, lalo na kung hindi na pala kayang magtrabaho ng nirekomenda mong maging katulong nila.
Anyway, puwede mong subukan. Sabihin mo sa kapitbahay mo, subukan nila kahit one week lang. Ipag-pray mo na lang na maging maayos ang lahat upang kahit papaano ay makatulong ka sa kaibigan mo.Ipaalala mo rin sa kanya, last chance na niya ang trabahong iyan, kaya dapat niyang pagbutihan ang kanyang trabaho at kung ano man ang hindi magandang ginawa niya noon sa rati niyang employer, huwag na huwag na niyang gagawin ngayon, at mamuhay na nawa siya nang maayos.
Sumasaiyo,
Sister Isabel del Mundo








Comments