top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Bebot, kinatay ng live-in partner

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 4, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | August 4, 2023


LAGUNA -- Isang 21-anyos na babae ang sinaksak at napatay ng kanyang selosong live-in partner kamakalawa sa Bgy. Saimsim, Calamba City sa lalawigang ito.


Ang biktima na nagtamo ng mga tama ng saksak sa katawan ay nakilalang si Andrea Escalante, samantalang ang suspek ay ang live-in partner nito na si John Lester Catambay, 23, kapwa nakatira sa nasabing barangay.


Ayon sa ulat, nagkaroon ng pagtatalo ang magka-live-in dahil may pinagseselosan umano si Catambay hanggang sa pagsasaksakin ng suspek ang biktima.


Nabatid na nagtangka pang tumakas si Catambay matapos mapatay si Escalante, pero sa follow-operation ng mga awtoridad ay nadakip ang suspek.


Dinala pa ng kanyang mga kamag-anak si Escalante sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page