top of page

Bayanihan, buhay pa rin sa General Luna, Quezon

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 27, 2020
  • 1 min read

ni Twincle Esquierdo | July 27, 2020



Isa sa mga kaugalian ng mga Pinoy ang Bayanihan, dito mo matutunghayan ang tunay na buhay ng mga Pilipino.


Sa post ng isang taga Barangay San Isidro, General Luna, Quezon sa kanyang instagram account, kitang kita sa larawan na nagtulong-tulong ang mga kalalakihan para buhatin ang bahay at dahil sa kabilang sitio ng barangay.



Dahil natuwa si Erwin Villaruel na siyang kumuha ng larawan, halos 25 katao ang tumulong buhatin ang bahay ng kanyang pinsan dahil bihira na lang itong mangyari sa kanilang probinsiya.


Ipinost niya ito bilang pasasalamat sa mga tumulong.


Matapos ang dalawang oras na pagbubuhat ay nagkaroon ng salo-salo sa bahay ng may-ari.


Bihira man nating matuklasan ang mga dating kultura, lubos naman nakatutuwa ang mga ganitong pangyayari at dito mo makikita na tunay na nagkaka-isa ang bawat Pilipino.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page