top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Batang lalaki tepok sa kuryente

BULGAR
Aug 21, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | August 21, 2022


PANGASINAN—Isang 14-anyos na batang lalaki ang namatay nang makuryente kamakalawa sa Bgy. Roxas, San Carlos City.


Kinilala ng pulisya ang biktima na si Eric Gamboa, residente ng nabanggit na barangay.

Ayon sa ulat, habang nangangalakal ng basura sa bakanteng bahay ay napahawak sa live wire ang biktima kaya ito nakuryente.


Napag-alamang sa lakas ng boltahe ng kuryente ay nagkaroon ng 3rd degree burns sa katawan si Gamboa.


Kaagad dinala ng kanyang mga residente si Gamboa sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page