top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Batang lalaki natagpuang patay sa ilog

BULGAR
Sep 14, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | September 14, 2022


QUEZON—Isang 9-anyos na batang lalaki ang natagpuang patay kamakalawa habang nakalutang sa ilog ng Bgy. Cawayanin Ibaba, Catanauan.


Sa kahilingan ng pamilya ay hindi na pinangalanan ng pulisya ang biktima na residente sa nasabing barangay.


Nabatid na ilang residente ang nakatagpo sa nakalutang na bangkay ng biktima sa ilog sa naturang lugar.


Ayon sa ulat, huling nakitang buhay umano ang biktima habang nangingisda sa ilog.


Sa pagsisiyasat ng pulisya ay napag-alamang posible umanong rumagasa ang agos sa ilog at tinangay ang biktima kaya ito nalunod.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page