top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Batang lalaki, natagpuang patay

BULGAR
Jul 14, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | July 14, 2022


DAVAO DEL SUR—Isang 12-anyos na batang lalaki ang natagpuang patay habang nakabigti kamakalawa sa loob ng bahay ng kanilang kapitbahay kamakalawa sa Bgy. Tagaytay, Magsaysay.


Ang biktima ay itinago sa pangalang "Bugtong," nakatira sa nabanggit na barangay.


Nabatid na ang hindi pinangalanang may-ari ng bahay ang nakatagpo sa nakabiting bangkay ng biktima.


Ayon sa kapitbahay ng biktima ay madalas siyang wala sa kanilang tahanan dahil nagtatrabaho siya at laking gulat niya nang pag-uwi niya ay makitang nakabigti sa loob ng kanyang bahay si "Bugtong."


Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad upang malaman kung nagpakamatay o kung may foul play na naganap sa pagkamatay ng biktima.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page