Batang lalaki nalunod sa sapa
@Balitang Probinsiya | November 15, 2022
CAGAYAN—Isang 7-taong gulang na batang lalaki ang namatay nang malunod kamakalawa sa sapa na sakop ng Bgy. Burot, Allacapan.
Sa kahilingan ng pamilya ay hindi na pinangalanan ng pulisya ang biktima na residente ng Bgy. Dagupan sa nabanggit na bayan.
Nabatid na nangunguha umano ng tulya sa sapa ang biktima, kasama ang ilan nitong kaibigan nang magawi ito sa malalim na bahagi ng tubig kaya ito nalunod.
Napag-alamang agad sumaklolo ang mga residente, pero hindi agad nakita ang bata na lumubog sa sapa.
Ayon sa ulat, makalipas ang halos anim na oras na paghahanap ay natagpuan rin ang biktima, pero patay na ito nang maiahon sa sapa.



Comments