Batang lalaki nalunod sa ilog
- BULGAR
- May 28, 2023
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | May 28, 2023
AKLAN—Isang 8-taong gulang na batang lalaki ang namatay nang malunod habang naliligo sa ilog na sakop ng Bgy. Logohon, Madalag sa lalawigang ito.
Sa kahilingan ng pamilya ng biktima ay hindi na pinangalanan ang nalunod na batang lalaki.
Nabatid na naligo ang bata kasama ang kanyang mga kamag-anak sa ilog ng naturang lugar, at nang magawi sa malalim na bahagi ng tubig ay dito nalunod ang biktima.
Napag-alaman na agad sumaklolo ang mga residente, pero hindi agad nakita ang biktima na lumubog sa ilog.
Ayon sa ulat, nang dumating ang rescue team ay saka lang natagpuan sa ilalim ng tubig ang bata, pero patay na ito nang maiahon sa ilog.



Comments