Batang lalaki, nailigtas sa lunod
@Balitang Probinsiya | June 28, 2022
LAGUNA—Isang 11-anyos na batang lalaki ang nailigtas ng rescue team ng Maritime Police sa pagkalunod kamakalawa sa lawa na sakop ng Bgy. Mairnig, Cabuyao City.
Ang biktima ay kinilalang si John Lester Amayo, residente sa nabanggit na lungsod.
Ayon sa ulat, naligo si Amayo sa lawa, pero napagawi ito sa malalim na bahagi ng tubig.
Nabatid na nakahingi agad ng tulong sa Martime police ang mga residente kaya nailigtas ng rescue team ang bata mula sa pagkalunod.
Sa ngayon ay inoobserbahan pa sa ospital ang bata.



Comments