Batang babae, patay sa SUV
@Balitang Probinsiya | January 22, 2022
QUEZON–Patay ang batang babae nang aksidenteng masagasaan ng SUV (Sports Utility Vehicle) kamakalawa sa Bgy. Sabang, Calauag.
Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Wendy Lozares, 1-taong gulang at nakatira sa naturang barangay.
Ayon sa ulat, mabilis umano ang takbo ng SUV na minamaneho ni Gil Gomez, nasa hustong gulang kaya hindi na nito naiwasan ang batang biglang tumawid sa kalsada at nasagasaan niya ang biktima
Kaagad dinala ng mga saksi ang biktima sa pagamutan, pero idineklara itong dead-on-arrival.
Nahaharap si Gomez sa kasong reckless imprudence resulting to homicide.



Comments