Batang babae natagpuang patay
@Balitang Probinsiya | Enero 24, 2023
NORTH COTABATO—Isang bangkay ng 7-taong gulang na batang babae ang natagpuang nakalutang sa ilog na sakop ng bayan ng Kabacan.
Sa kahilingan ng pamilya ng biktima ay hindi na ito pinangalanan ng pulisya.
Nabatid na ilang residente ang nakatagpo sa nakalutang na bangkay ng biktima sa naturang ilog.
Napag-alamang huling nakitang buhay ang biktima habang naliligo sa ilog.
Sa awtopsiya ng mga awtoridad ay nabatid na pagkalunod sa ilog ang ikinamatay ng biktima.



Comments